NABABAHALA NA | OFWs sa Riyadh, nagpa-panic na sa missile attack ng Yemen

Manila, Philippines – Aminado ang ilang OFWs sa Riyadh, Saudi Arabia na nabubulabog na sila sa sunud-sunod na pagpapakawala ng missile ng Yemen.

Ayon sa isang Filipino engineer sa Riyadh na tumangging magpabanggit ng pangalan, naiisipan na nila na umuwi ng Pilipinas kamasa ang kanyang maybahay at dalawang anak na nag aaral doon.

Nababahala daw kasi sila lalo na at ang kanilang tinitirahan ay malapit sa mga palasyo at air base ng Saudi Arabia na target ngayon ng missile attacks ng Yemen.


Patuloy naman na mino monitor ng Philippine Embassy sa Riyadh ang sitwasyon doon.

Facebook Comments