NABABAHALA | P5-B nawala sa pondo ng PhilHealth, pinapaimbestigahan

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Leila M. De Lima ang Senate Resolution No. 840 na nagsusulong na imbestigahan ng Senado ang report ng Commission on Audit o COA na may halos 5-bilyong pisong net loss ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth noong 2017.

Binanggit ni De Lima na base sa COA report, ay nagrehistro din ang PhilHealth ng negative P3.9 billion na gross margin sa operasyon na nagresulta sa pagkawala ng mahigit 10-bilyong piso.

Tinukoy din ni De Lima ang kabiguan ng PhilHealth na makamit ang mahigit 37-billion pesos na alokasyon ng gobyerno para sa kontribusyon ng mga mahihirap na Pilipino.


Diin ni De Lima, nakakabahala ang problema sa estado ng pananalapi ng PhilHealth na nakaapekto sa epektibong implementation ng mga programa at proyekto nito.

Giit ni De Lima dapat masilip ang dahilan ng problemang pinansyal ng PhilHealth upang mahanapan ng solusyon at mapanagot ang mga responsableng opisyal.

Facebook Comments