NABABAHALA | Pag-antala sa peace talks, pinangangambahang masabotahe

Manila, Philippines – Nababahala si Bayan Muna Party list Rep. Carlos Isagani Zarate na masabotahe ang peace talks sa pagitan ng government peace panel at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Dismayado si Zarate dahil sa patuloy na pagbinbin sa pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan ng gobyerno at NDFP.

Giit ni Zarate, maaari namang pag-usapan at resolbahin ang mga isyu at kondisyon sa peace talks habang ipinagpapatuloy ang negosasyon dito.


Nangangamba ang mambabatas na dahil naaantala ang peace talks, tumatagal din ang pagkakataon ng mga gustong manabotahe sa inaasam na pangmatagalang kapayapaan.

Iginiit ni Zarate na ituloy na ang usaping pangkapayapaan dahil tiyak naman na susuportahan ito ng maraming Pilipino.

Facebook Comments