Manila, Philippines – Nagbabala si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na posibleng maapektuhan ang pamumuhunan dahil sa ranking ng Pilipinas sa Global Peace Index kung saan pangalawa tayo sa `least peaceful` na bansa sa Asia-Pacific Region.
Ayon kay Alejano, ang mababang peace ranking ng bansa ay makakaapekto sa panghihikayat natin sa mga foreign investors na mamuhunan at magnegosyo sa Pilipinas.
Mawawalan aniya ng kumpyansa ang mga investors at tiyak na mahihirapan ang mga economic managers na i-market ang Pilipinas para sa pamumuhunan at sa partnership para sa proyekto at programa ng pamahalaan.
Posible aniyang tanging ang China lang ang matitira na magi-invest sa bansa dahil sa interes nito sa ating teritoryo.
Giit ng mambabatas, dapat itong magsilbing wake-up call sa bansa bago mahuli ang lahat.
Payo ng kongresista, patatagin ng Duterte administration ang institusyon at magkaroon ng malinaw na polisiya para sa peace and order ng bansa.