NABABAHALA | Posibleng pagpataw ng disbarment laban kay Sereno, pinangangambahan ng kanyang kampo

Manila, Philippines – Nangangamba ang kampo ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa posibleng disbarment.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno – hindi pa natatapos sa quo warranto ang kanilang laban dahil maaring tanggalan din ng lisensya si Sereno sa pagiging abogado.

Dito aniya tutungo ang show cause order ng Korte Suprema kung saan pinagpapaliwanag si Sereno kung bakit hindi siya dapat maparusahan sa pagpapalaganap ng masamang imahe at motibo laban sa mga kapwa mahistrado.


Base sa desisyon sa quo warranto desisyon, maaaring ma-disbar ang napatalsik na punong mahistrado dahil sa paglabag umano sa sub judice rule dahil sa paulit-ulit na pagtalakay sa publiko ng kanyang kaso na posibleng makaapekto sa boto ng mga mahistrado at opinyon ng publiko.

Facebook Comments