Manila, Philippines – Para kay senator Antonio Trillanes IV, delikado ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa pamamahala ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang Bureau of Customs o BOC.
Sa tingin ni Trillanes, paraan ito para ipakita ang pagiging seryoso na resolbahin ang problema sa iligal na droga kahit bigong mapanagot ang mga nasa likod ng drug smuggling.
Diin pa ni Trillanes, ang AFP ay sinanay para labanan ang mga banta sa pambansang seguridad at hindi para mangolekta ng customs duties.
Nag-aalala din Trillanes na baka mabahiran pa ang miltar ng katiwalian sa BOC.
Bilang mainam na solusyon ay iginiit ni Trillanes na tiyaking mapaparusahan ang nasa likod ng pagpasok sa bansa ng 6.4 billion pesos at 11-billion pesos na shabu gayundin ang mga sangkot sa iba pa katiwalian sa ahensya.
Mungkahi pa ni Trillanes, buhayin ang private pre-shipment inspection services at i-computerize ang buong sistema sa BOC kung saan bibigyan ng kopya ng mga transaksyon nito ang commission on audit, intelligence units at Ombudsman.
Dapat din aniya ay magkaroon ng multiple remote xray monitors ang BOC na babantayan ng COA at counter intel units.
Pinapabawasan din ni Trillanes ang customs duties para maiwasan ang smuggling.
Iginiit din ni Trillanes ang palihim na lifestyle checks sa mga taga-customs at pinabibigyan ng isentibo ang mga empleyado nito na magaling ang pagganap sa trabaho.