NABABAHALA | Trillanes, De Lima – posibleng bisitahin ng mga kinatawan ng IPU

Manila, Philippines – Planong bisitahin ng Inter-Parliamentary Union o IPU sina Senador Antonio Trillanes IV at si Senadora Leila De Lima dahil nababahala sila sa dinaranas na pang-uusig sa kanila ng administrasyong Duterte.

Sa magkahiwalay na resolusyong ipinasa ng IPU sa pagtatapos ng 139th IPU assembly sa Geneva Switzerland, inihayag nito na may pananagutan ang Senado para tiyaking magkaroon ng boses ang lahat ng mga miyembro nito.

Umaasa rin ang IPU kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na gumawa ng hakbang para pangalagaan at protektahan ang karapatan ni De Lima, hindi lamang bilang isang babae kung hindi isang mambabatas.


Kasabay nito, umapela rin ang IPU sa korte na igawad ang makatarungang desisyon para kay Trillanes na nahaharap kasong kudeta.

Facebook Comments