NABABAHALA | Tumataas na bilang ng mangagawang Chinese nationals sa bansa, ikinabahala ni Senator Drilon

Manila, Philippines – Ikinabahala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang dumaraming mangagawa na Chinese Nationals sa Pilipinas.

Sabi ni Drilon, naaagaw na ng mga Chinese Nationals ang job opportunities na dapat ay para sa mga Pilipino.

Inihalimbawa ni Drilon ang pagprayoridad sa mga Chinese nationals sa online gaming at business process outsourcing industries kumpara sa mga Pilipino.


Ginawa ni Drilon ang pahayag sa pagbusisi sa panukalang pondo para sa Department of Labor and Employment sa 2019.

Sa impormasyon ni Drilon ay nasa 400,000 na ang manggagawang dayuhan sa Metro Manila pa lamang.

Pero ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, 40,000 lamang ang Alien Employment Permits o AEP na kanilang naipamigay sa nagdaang 18 buwan at 25,000 sa mga ito ay Chinese nationals.

Facebook Comments