Target pa rin ng Provincial Health Office ng Pangasinan na bakunahan kontra COVID19 ang aabot sa apatnaraang libo (400,000) na batang edad 5-11 sa buong Pangasinan kasabay ng pagpapalawig ng bakunahan kontra COVID-19.
Saad ni Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Office Chief na sa ngayong pormal na nagsimula na ang pagbabakuna sa nasabing age group ay nanatiling mababa pa ang bilang ng nabigyan ng unang dose na umabot lamang sa 3,000.
Mababa ito aniya dahil sa mabilis na roll out ng pagbabakuna gayong mababa ang suplay ng bakuna para sa mga bata.
Ikinatuwa naman ng PHO ang kagustuhan at willingness ng mga magulang na ipabakuna na ang kanilang mga anak kontra COVID-19.
Magandang bagay naman umano ito dahil sa paghahanda na rin sa mga bata na maaaring panunumbalik ng face-to-face classes. | ifmnews
Facebook Comments