Iloilo – Patay ang isang lalaki matapos suntukin ng barangay tanod sa sitio Pagsanga-An, Jamul-Awon Concepcion, Iloilo.
Ang biktima ay kinilalang si Reymus Divinagracia, 35, ng Barangay Bacabac Sara, Iloilo.
Ayon sa Concepcion PNP, lasing na pumunta sa Christmas party ang biktima at doon ay nangmolestiya di umano ng mga dalagang dumadalo.
Pinagsabihan daw ng tanod at suspek sa insidente na si Lito Moreno ang biktima pero nag-akma pa itong saktan ang tanod.
Dito na inunahan ng tanod at nasapul ng uppercut sa kanyang panga dahilan para ito ay matumba at mabagok ang ulo sa semento.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga police sa tanod na agad tumakas matapos ang insidente.
Facebook Comments