NABAGSAKAN | Lalaki, sugatan matapos mabagsakan ng nag-collapse na bahay

27

Baguio City – Sugatan ang isang lalaki makaraang mabagsakan nang nag-collapse nilang bahay dahil sa landslide dulot ng walang tigil na pag-ulan epekto ng bagyong Ompong sa Badihoy, Guisad Surong Baguio City kaninang umaga.

Kinilala itong si Dresden Golidan 39-anyos, house painter residente ng Badihoy, Guisad Surong Baguio City.

Ayon kay Office of Civil Defense Director Ruben Carandang nasa loob ng bahay ang biktima ng mangyari ang landslide dahilan para magtamo ito ng sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Agad naman itong na-rescue at isinugod sa Baguio General Hospital.

Facebook Comments