Manila, Philippines – Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas magiging “relentless” at “chilling” ang kampaniya kontra illegal na droga.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, nakakaalarma ito dahil gagawin pang mas mapangahas ang kampaniya kung saan nasa 1,395 na ang nasawi.
Giit ni De Guia, dapat ayusin muna ng gobyerno ay mga mekanismo sa pagsasagawa ng mga drug operation para hindi humantong sa patayan.
Aminado naman ang CHR na nahihirapan sila sa pag-iimbestiga sa mga Extra Judicial Killings (EJK) dahil sa kawalan ng kooperasyon ng Philippine National Police (PNP).
Paliwanag ni De Guia, ayaw kasing ibigay ng PNP ang mga pangalan ng mga pulis na sangkot sa mga anti-illegal drug operations.