NABAHALA | DepEd, nababahala sa pagsasara ng ilang small private schools

Manila, Philippines – Nababahala si Dept. of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones sa tumataas na bilang ng mga nagsasarang maliliit na pribadong eskwelahan dahil sa kawalan ng mga estudyanteng nag-e-enroll maging ng mga guro.

Ayon kay Briones – karamihan sa mga eskwelahang ito ay mula pa sa mga probinsya habang mayroon din sa mga siyudad.

Kahit patuloy na tumataas ang enrollment sa public at private schools bawat taon, nakatatanggap sila ng ulat na may ilang pribadong paaralan ang nagsasara.


Nakikitang dahilan ng kalihim ay ang paglipat ng mga estudyante at guro sa mga pampublikong paaralan.

Dahil dito, plano ng DepEd na mag-renta ng space sa ilang private schools para maresolba ang siksikan ng mga mag-aaral sa mga public schools.

Facebook Comments