NABAHALA | DFA, naghain ng diplomatic note sa embahada ng Kuwait

Manila, Philippines – Naghain na ang DFA ng diplomatic note sa embahada ng Kuwait.

Layunin nitong iparating ang pagkabahala ng Pilipinas sa pagdedeklara ng Kuwait kay Ambassador Renato Villa bilang persona non grata; patuloy na pagdetine sa apat na tauhan ng Philippine Embassy at pag-iisyu ng warrant of arrest sa tatlong diplomatic personnel nito.

Naniniwala si DFA Secretary Alan Peter Cayetano, na taliwas ito sa ibinigay na kasiguraduhan ng Kuwaiti Ambasador Saleh Ahmad Althwaikh sa mga isyu na ipinaalam sa kanya noong April 24, 2018.


Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, magpapadala na sila ng bagong Philippine Ambassador sa Kuwait pero hindi pa tiyak kung sino ang itatalaga ni Pangulong Duterte.

Umaasa ang gobyerbo na maaayos ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait.

Facebook Comments