Manila, Philippines – Ikinabahala ni Vice President Leni Robredo ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Nabatid na pumalo sa 53 pesos ang halaga ng Philippine currency sa isang dolyar, na siyang pinakamababa sa loob ng 12 taon.
Ayon kay Robredo, kailangang mapag-aralang mabuti ito dahil maraming trabaho at pangangailangan ng mga tao ang maapektuhan.
Dapat aniya ay magawan ng paraan ng gobyerno ito para na rin sa kapakanan ng mga mahihirap.
Facebook Comments