Nababahala ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa ginagawang land reclamation activities sa West Philippines Sea.
Nakasaad sa ASEAN chairman statement, inamin ng mga bansa na nagdulot ng tensyon sa rehiyon ang mga itinatayong istraktura sa pinag-aagawang teritoryo.
Bagaman at hindi binanggit ang China, pero ilang bansa ang nagprotesta dahil sa pagtatayo ng artificial islands kabilang na ang base militar na pasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na ang code of conduct na binubuo ng mga bansa bilang coordinator ng ASEAN-China dialogue.
Facebook Comments