Nabakuhan kontra COVID-19 sa pasay mahigit kalahating milyon na

Umabot na sa 515,688 ang mga naitalang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Batay ito sa ulat ng Pasay City Information Office.

Sa bilang ng mga nabakunahan , 273,291 ang nakatanggap na nang 1st dose habang 251,347 ang fully vaccinated na.


Pinakahuling nabakunahan ay 884 na indibidwal kahapon, 845 dito ay nakatanggap ng first dose at 39 ay fully vaccinated na.

Sa ngayon tuloy ang bakunahan sa Pasay City, kailangan lang ay mag-pre-resgister sa pasayemi.ph

Facebook Comments