Umakyat na sa 155,824 ang nabakunahan kotra COVID-19 sa lungsod ng Pasay.
Batay ito sa ulat ng Pasay City Information Office.
Sa kanilang datos, kada araw ay 260 ang nababakunahan kaya asahan pa ang pagdami ng mga nababakunahan kontra COVID sa lungsod.
Sa bilang ng mga nabakunahan, 3,872 na sa A1 category ang nakatanggap ng first dose, habang 3,679 ang nakatanggap na ng second dose.
Sa A2 naman, 21,079 ang nakatanggap na ng first dose habang 11,279 ang nakatanggap ng second dose.
Sa A3, 62, 706 ang tumanggap ng first dose habang 21,836 ang nakatanggap na ng second dose.
Sa A4 naman, 30,367 na ang nakatanggap ng first dose habang 988 na ang ang nakatanggap ng second dose.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalalng lokal ng Pasay sa kanilang mga residente na hindi pa nagpapabakuna na makikiisa sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Ang kailangan lang gawin ay magrehistro sa EMI ePortal Application o sa pasayemi.ph.