Nabakunahan sa Pasay City umabot na sa mahigit 309,000

Nakapagtala na ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng 309,389 na mga nabakunahan kontra COVID-19.

Ito ay batay sa ulat ng Pasay City Information Office hanggang kahapon August 5, 2021.

Sa bilang ng mga bakunado na, 175, 309 ang naturukan na ng First dose habang 134,080 ang nakatangap na nang kanilang 2nd dose.


Samantala, as of today, may panibagong 81 kaso ng COVID-19 sa Pasay kaya umabot na sa 15,203 ang kabuuang bilang ng COVID cases sa Pasay, 367 dito ay active cases.

Habang may 11 gumaling naman sa COVID-19 na naitala ngayong araw kaya mayroon nang kabuuang 14,434 recoveries sa Pasay.

Facebook Comments