Nabakunahang kabataan sa Maynila, higit 50,000 na

Pumalo na sa higit 50,000 ang bilang mg mga kabataan na nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa datos ng Manila Health Department, nasa 51,784 na mga kabataan ang naturukan na ng bakuna.

Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang isasagawang pagbabakuna sa mga menor de edad na nasa 12 hanggang 17 taong gulang.


Ikakasa ang frist dose vaccination sa mga kabataan sa anim na district hospital sa lungsod partikular sa Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Abad Santos Medical Center na may tig-500 doses ng bakuna.

Nasa tig-500 doses din ng bakuna ang ilalaan para sa mga kabataan sa anim na eskwelahan kung saan gagawin ang pagbabakuna at ito ay sa Gregorio Perfecto High School, Felipe Calderon High School, Jose Abad Santos High School, Ramon Magsasay High School, Manuel Roxas High School at Emilio Aguinaldo High School.

Magkakaroon rin ng second dose vaccination sa mga kabataan sa anim na district hospital kung saan dito bababakunahan ang mga naturukan ng first dose gamit ang Pfizer vaccine noong Octber 25, 2021 at magsisimula ito ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Facebook Comments