Nabakunahan na ang 1,407 na Philippine National Police (PNP) health personnel laban sa COVID- 19.
Ito’y ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar
Kahapon aniya nabakunahan ang 61 na tauhan ng PNP sa Police Regional Office (PRO)-CARAGA; 5 sa PRO-4B; 16 sa PRO-Cordillera; at 38 sa PRO-BAR.
Habang 40 naman ang nabakunahan sa PRO 2; at 51 sa PRO-Cordillera noong kamakalawa.
Nadagdag ang mga ito sa unang 1,196 na tauhan ng PNP sa Metro Manila na tinurukan mula sa inisyal na batch na 1,200 dose ng Sinovac vaccine na kanilang natanggap.
Sinabi ni Eleazar, wala pang nakukuhang bagong supply ng bakuna ang PNP at ang mga tauhan nilang nabakunahan sa mga lalawigan ay tinurukan ng Sinovac vaccine mula sa alokasyon ng Department of Health (DOH) para sa frontline health workers.
Sa ngayon aniya, wala pang abiso mula sa DOH kung kailan makakatanggap ang PNP ng panibagong supply ng bakuna.