Nabakunahang tauhan ng PNP, halos 2,000 na

Umabot na sa 1,837 na Philippine National Police (PNP) health personnel sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakatanggap na ng kanilang unang turok ng bakuna mula Marso 1 hanggang kahapon Marso 16.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Guillermo Eleazar, mula sa 1,973 na nagparehistro,136 ang hindi pinayagang maturukan dahil sa medikal na dahilan.

1,676 sa mga naturukan ginamitan ng Sinovac vaccine, habang 161 ang nabigyan ng AstraZeneca vaccine.


Batay pa sa datos ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na lahat ng tinurukan, 33 lang ang nakaranas ng minor adverse reaction sa bakuna na agad ding lumipas.

Ang binigay na bakuna sa mga naturukan sa mga pulis sa Metro Manila ay mula sa kanilang natanggap na kabuuang 2,400 dose ng Sinovac vaccine at 700 dose ng AstraZeneca.

Habang ang mga tauhan naman ng PNP sa mga rehiyon ay tinurukan ng bakuna na mula sa alokasyon ng Local Government Unit (LGU) at Department of Health (DOH) Regional Offices para sa mga health worker.

Facebook Comments