Nabalahaw na eroplano ng Cebu Pacific, naalis na sa taxiway sa NAIA 3

Tuluyan nang nahila ang nabalahaw na eroplano ng Cebu Pacific sa taxiway sa NAIA 3.

Ayon sa MIAA, ala-1:53 ngayong hapon nang tuluyang ma-tow ang aircraft.

Binigyan naman ng pagkain ng MIAA at ng airlines ang mga pasaherong naapektuhan ng insidente.


Nakatakda na ring lumipad ang ilang flights na naantala bunga ng pagkabalahaw ng eroplano ng CebuPac.

Facebook Comments