Manila, Philippines – Nabalewala na ang naunang committee report na inaprubahan ng House Committee on Rules na pinamumunuan ni Davao City Rep. Karlo Nograles.
Matapos bumuo ng Committee of the Whole ang Kamara para sa deliberasyon ng 2019 budget, mabilis na inamyendahan ang House Bill 8169 o 2019 General Appropriations Act.
Mabilis lamang din na inaprubahan ang ground rules ng Committee of the Whole kung saan dumiretso agad sa amendments.
Sa kabuuan, P51.792 Billion ang na-realign na pondo malapit sa kontrobersiyal na P55 Billion na sinasabing isiningit nina dating Speaker Pantaleon Alvarez sa ilang piling distrito ng mga kaalyadong kongresista.
Pinakamalaking pondo ang na-realign para sa mga imprastruktura gaya ng multi-purpose facilities, national at local roads and bridges, water supply at flood control projects.
Samantala, bukas ay maipagpapatuloy ang debate at deliberasyon para sa 2019 national budget.