NABANGGA | Tubo ng Maynilad, tumagas matapos mabangga ng SUV

Manila, Philippines – Tumagas ang isang tubo ng Maynilad sa Quintin Paredes Street sa Binondo, Maynila matapos na mabangga ng isang SUV.

Pero sa halip na huminto, agad na pinaharurot ng driver ng itim na SUV ang kaniyang sasakyan kaya at hindi na nakuha pa ang plate number nito.

Nangyari ang insidente pasado-alas dose nang hatinggabi kung saan tumawag na ang ibang residente sa pamunuan ng Maynilad pero hindi naman masabi kung kailan ito aayusin.


Sa ngayon, hinarangan na muna ito ng mga paso at basurahan para maiwasan ng mga motorista.

Facebook Comments