NABAWASAN | Aberya sa MRT-3, nabawasan daw

Manila, Philippines – Kinumpirma ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na malaki ang nabawas sa mga nararanasang aberya sa tren.

Ito ay mula nang hawakan ng gobyerno ang maintenance nito mula sa Busan Universal Rail Inc. (BURI).

Ayon kay Transportation Usec. for Rails Timothy John Batan – sa average, 39 na beses kada-buwan ang naitatalang insidente ng pagpapababa ng pasahero sa ilalim ng BURI.


Pero nang hawakan ng maintenance transition team ng gobyerno, umaabot na lamang sa 24 beses kada-buwan.

Paliwanag ni Batan, isa sa pinakapangunahing dahilan ng aberya ay ang pwersahang pagbubukas o pagpipigil ng pintuan ng tren.

Matatandaang nagpakita muli ng interest ang Sumitomo Corporation ng Japan para muling hawakan ang MRT-3.
Ang Sumitomo ang orihinal na maintenance provider ng MRT-3.

Facebook Comments