NABAWASAN | Bilang ng mga pasahero ng MRT-3, bumaba!

Manila, Philippines – Nabawasan ang bilang ng mga pasaherong sumasakay ng Metro Rail Transit (MRT) line 3.

Ito’y kasunod ng mga nararanasang aberya sa biyahe.

Sa datos ng pamunuan ng MRT-3 mula jan. 24 hanggang Feb. 1 nasa 297,000 na pasahero na lamang ang sumasakay.


Mababa ng 35% kumpara sa normal daily average na 463,000 hanggang 500,000 na pasahero.

Bukod dito, nasa walo hanggang 10 tren na lamang ang bumibiyahe kumpara sa standard requirement na 20 tren tuwing ‘peak hours’.

Tiniyak naman ng Dept. of Transportation, madadagdagan na ang bilang ng mga bumibiyaheng tren ngayong buwan dahil sa mga dumating na bagong biling spare parts.

Facebook Comments