Manila, Philippines – Bumaba ang mga ipinanganganak na sanggol sa Pilipinas nitong 2017.
Sa datos ng Commission on Population (POPCOM), aabot sa 1.7 million na sanggol ang isinilang sa bansa, mababa kumpara sa 1.79 million noong 2012.
Paliwanag ni POPCOM Executive Director, Dr. Juan Antonio Perez III – resulta ito ng pagpasa ng reproductive health law noong 2012.
Dagdag pa ni Perez – marami ring kababaihan ang nakakapagtapos sa kolehiyo at nagiging career-oriented.
Patunay aniya ito na natututo na ang mga babae ng family planning at nagiging praktikal na sa buhay.
Facebook Comments