NABAWASAN | Consumer confidence sa bansa, bahagyang bumaba

Manila, Philippines – Bahagyang bumaba ang consumer confidence sa bansa sa huling quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay dahil sa isyu ng umano ay Extra Judicial Killings (EJK), droga at pag-atake ng mga terorista.

Nabatid na mula sa dating 10.2% ay sumadsad sa 9.5% ang consumer confidence index na mas mababa ng kaunti kumpara sa kaparehong panahon noong 2016.


Pero nilinaw naman ng BSP na nasa “positive territory” pa rin ito simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong June 2016.

Itinuturing din ito bilang “third highest” rate ng kumpiyansa ng mga consumers mula nang ilunsad ang survey noong 2007 sa ilalim ng Arroyo administration.

Facebook Comments