NABAWASAN | Fertility rate ng mga babaeng Pilipino, bumaba – Philippine Statistics Authority

Manila, Philippines – Bumaba ang fertility rate ng Filipino women.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa inilabas nitong 2017 national demographic and health survey, bumaba ng 2.7 live births ang fertility rate ng mga babaeng Pilipino kumapara sa 3 live births noong 2013.

Paliwanag ni Commission on Population (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez, III – natututo na ang mga married women sa paggamit ng modern family planning methods kasabay ng pagpapatupad ng Responsible Parenthood Reproductive Health (RPRH) law.


Karamihan din sa mga kababaihan ay gumagamit ng oral contraceptive pills at injectable.

Pero lumalabas din sa survey na kailangang pagtuunan ang 40% ng mga pinakamahihirap na Pilipino na kinakailangang maturuan ng family planning.

Facebook Comments