Manila, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 80-porsyentong pagbaba ng mga insidente ng firecracker-related injuries bago pagdiriwang ng pasko.
Sa datos ng DOH, mula alas-6:00 ng umaga noong December 21 hanggang alas-6:00 ng umaga ng December 24, limang insidente pa lamang ang kanilang naitatala.
Mas mababa kumpara sa 12 kaso na na-record sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na 50% ang ibaba ng mga mabibiktima ng paputok ngayong holiday season dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng nationwide firecrackers ban.
Facebook Comments