NABAWASAN | Kaso ng rape sa bansa bumaba – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Base sa tala ng Philippine National Police, mula July 2017 hanggang June 2018, nasa 6,999 kaso ng rape ang kanilang naitala. Mas mababa ng 23.96% kumpara sa 9,204 na mga kasong naitala mula July 2016 hanggang June 2017.

Dahil dito ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana Jr., ia-update pa nila ang kanilang rape prevention guidelines upang mas maiwasan ang mga kaso ng pananamantala.

Gayunpaman, titiyakin aniya nila na magiging gender sensitive ang mga pagbabagong kanilang idadagdag, upang walang ma-offend at upang hindi magkaroon ng maling interpretasyon ang publiko


Ilan sa kanilang mga idadagdag ang pagpapakalat ng awareness kaugnay sa rape bilang krimen, lalo na sa mga kabataan, kung saan isasama rin nila ang pagtalakay sa date- rape drugs tulad ng Ecstasy.

Ayon kay Durana, bagamat hindi makokontrol ang mga gumagawa ng krimen, makakatulong na maipaunawa sa murang edad pa lamang na ang rape ay isang krimen.

Facebook Comments