Manila, Philippines – Nabawasan ang krimen na kinasasangkutan ng mga motorcycle riding suspects sa bansa.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa kanilang datos mula October 11, 2017 hanggang August 13, 2018 kabuuang 1198 na krimen na gawa ng Motorcycle Riding Suspects o MRS ang kanilang naitala.
Bumaba na ito kung ikukumpara sa kanilang datos mula noong December 7, 2016 hanggang October 10, 2017 na umabot sa 2,206.
Mula October 11, 2017 hanggang August 6, 2018 , 14 na indibidwal na ang nasawi dahil sa krimen na gawa ng Motorcycle Riding Suspects o MRS, 83 suspek ang naaresto habang 1384 suspek ay pinaghahanap pa 520 ay natukoy na ang pagkakakilanlan.
Tiniyak naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na magpapatuloy ang kanilang mga operayson kontra riding in tandem upang tuluyan nang matigil ang mga krimen gawa ng mga motorcycle riding suspects.