Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng malaria cases sa ARMM noong 2017 kung saan nakapagtala lamang ng 5 kaso, isa mula sa lalawigan ng Sulu at apat mula sa Magauindanao.
Base ito sa ulat ng Department of Health-ARMM sa ginanap na agency malaria elimination campaign.
Ang aktibidad ay naglalayong mas paigtingin pa ang adbokasiya ng kagawaran para makamit ang “malaria-free ARMM” at upang patibayin pa ang partnership nito at ng ibang regional agencies laban sa sakit na malaria.
Noong 2012, 3,470 cases ang naitalang kaso ng malaria sa buong ARMM, ang mga probinsya ng Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ang na pinakamaraming kaso, sa kabila nito sinabi ng DOH-ARMM na wala namang nasawi mula sa sakit mula taung 2016 hanggang 2017.
Facebook Comments