Manila, Philippines – Sa nakalipas na 24 na oras o mula alas singko ng umaga kahapon hanggang alas singko ngayong umaga ay 115 katao ang dinampot ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa mga pinaiiral na ordinansa ng Manila City Hall.
Kabilang sa mga nalabag na kautusan ay ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at paglalakad sa lansangan na walang suot na pang-itaas.
Sa report, walang nahuli na umiinom sa mga kalye at walang reklamo patungkol sa pambabastos sa mga babae gaya ng pagsipol o mahalay na pagtingin.
Matatandaang sa mga nakalipas na linggo ay may average na 250 hanggang 300 pataas ang nahuhuli bawat araw ng Manila Police District (MPD).
Facebook Comments