Manila, Philippines – Bahagyang lumiit ang bilang ng mga pasaherong bumabiyahe ngayon sa mga pantalan sa bansa.
Sa pinaka huling tala ng Philippine Coast Guard aabot na lamang sa mahigit labing limang libong pasahero ang mga nasa pantalan sa buong bansa.
Pinaka marami dito ay ang nasa Central Visayas na may mahigit 11 libong passengers at Southern Tagalog na may mahigit sampung libong pasahero.
Matatandaang pumalo kahapon ang mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa sa halos isandaang libo ito ang mga pinoy na uuwi sa kani kanilang probinsya para sa panahon ng kapaskuhan.
Kasabay nito Muling inabisuhan ng Phil Coast Guard ang lahat ng sasakyan pandagat na bawal ng maglayag dahil sa pagpasok sa bansa ng bagyong vinta partikular sa karagatan ng Surigao del Norte at del Sure, Agusan del Norte at del Sure, Davao del Norte kasama ang Compostella, Valley at Northen Davao Oriental.
Ayon kay PCG Spokesman Capt Arman Balilo nasa nabangit na mga lugar ang bagyong Vinta dahil dito pansamantalang hindi muna piyagan maglayag ang lahat ng sasakyan pandagat sa mga pantalan kayat inaasahan na dagsa nanaman ang mga stranded na pasahero.
Dagdag ni Balilo na inabisuhan na rin ang mga Shipping Companies sa Manila South at North Harbor na bawal munang maglayag ang mga sasakyan pandagat na patungo sa lugar na may Storm Signal kayat libong pasahero nanaman ang stranded.