Marikina – Mula sa mahigit 2,000 indibidwal na lumikas dahil sa pagtaas ng Marikina river bunsod ng walang tigil na pag-ulan
Unti unti nang bumababa ang bilang nito dahil sa nagsisipag uwian na ang mga evacuees
Sa pinaka huling datos mula sa Marikina PIO
Bulelak gym 76families/476individuals
Malanday elem 64families/269individuals
H. Bautista elem 15families/165individuals
Marikina elem 25families/108individuals
Tañong hs 18families/76individuals
Concepcion integrated school 14families/74individuals
O kabuuang 212 na pamilya o katumbas ng 1,168 na mga indibidwal.
Inikutan natin kanina ang Malanday Elementary school kung saan wala namang problema ang mga evacuees dahil nasa 36 na mga klasrums ang pinagagamit sa mga ito.
Habang sa Bulelak covered court may kanya kanya ding pwesto ang bawat pamilya.
Kapwa my libreng gamot doktor at sapat na palikuran ang mga naikutan nating evacuation center.
May libreng pagkain at take home na 5kilong bigas ang mga umuwing evacuees.
Magkagayunman, naka alerto parin ang Marikina rescue 161 dahil hanggang ngayon nananatili sa 15.8meters o alert level 1 ang Marikina river.