Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Philippine Coast Guard na bumaba na ang bilang ng mga naistranded sa mga pantalan dulot ng bagyong Basyang.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo noong nakaraang araw ay pumalo ng mahigit apat na libo ang naistranded sa mga Pantalan sa Central Visayas, Northern Mindanao,Eastern Visayas,Southern Visayas,Bicol Region Western Visayas at Palawan pero sa ngayon umano ay umaabot nalamang ng 3,733 na mga pasahero habang ang Rolling cargoes ay 627, Vessels 107 at Motorbanca ay 19 ang mga stranded.
Paliwanag ni Balilo naka-standby alert ang pwersa ng PCG partikular na ang kanilang rescue team na sasakyang pandagat upang agad makatugon sa anumang sakuna sa karagatan dulot ng bagyong Basyang.
Facebook Comments