Manila, Philippines – Patuloy na bumababa ang suplay ng bigas.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumulusok ng 10% ang rice inventory ng bansa o katumbas ng 2.95 million metric tons nitong Nobyembre.
Mababa kumpara sa 3.3 milyong metrikong tonelada nitong nakaraang taon.
Pero inaasahang aangat muli ang stocks hanggang sa katapusan ng taon dahil ang anihan o main crop harvest na nagsimula nitong Oktubre.
Kasabay nito, tiniyak naman ng United Broiler Raisers Association (UBRA) na magiging sapat ang suplay ng manok ngayong holiday season.
Facebook Comments