NABAWI NA! | 9-anyos na dinukot sa Makati, naibalik na sa kanyang magulang

Makati – Naibalik na sa kaniyang mg magulang ang siyam na taong gulang na batang babae na isang linggong nawala matapos dukutin habang natutulog sa isang bangketa sa Barangay Palanan, Makati.

Sa ulat, ilang kaanak ng ina ng biktimang si Trisha Mae Tejero ang siyang kumontak sa pamilya nito para sabihin na nasa kanila ang bata.

Agad na nagtungo ang mga magulang at ilang tauhan ng Makati Police sa Valenzuela para kunin ang nasabing bata kung saan napag-alaman na iniwan pala ito ng mga dumukot sa ilalim ng tulay sa Lawton, Maynila.


Sinasabing lumapit ang bata sa pulis para ibigay ang cellphone number ng lolang naninirahan sa Valenzuela pero dinala muna ito sa department of social welfare and development hanggang sa kunin ng mga kaanak.

Hindi agad nakipag-ugnayan sa mga magulang ng bata ang mga kaanak hanggang sa mapanood sa balita ang pagkawala nito.

Facebook Comments