Nabawing pera at alahas mula sa mga miyembro ng Maute, nai-turn over na sa Marawi City Police Station

Manila, Philippines – Naiturn-over na ng Joint Task Force Ranao sa Marawi City Police Station ang mga nabawing pera at iba pang mga gamit sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.

Pero ipinakita muna ni Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng joint task force ranao ang mga ito sa media bago itinurn over sa mga pulis.

Sabi ni Brawner, aabot sa P300,000 cash ang nakuha mula sa mga miyembro ng Maute.


Kabilang din dito ang mga alahas, malalaking appliances at iba pa.

Posible rin aniya na ang mga narekober na pera ay ginamit ng mga terorista bilang pambayad sa mga na-recruit nila.

Samantala, aminado naman si brawner na may mga nakasuhan na miyembro ng army dahil sa looting.

Facebook Comments