Nasa higit anim na raan na mga benepisyaryo na ang napamahagian ng social assistance ng pamahalaang panlalawigan sa anim na distrito ng lalawigan.
Ang programang ito ay hinahangad na makapagbigay ng tulong pinansyal para sa medical at burial assistance at ang mga listahan ay sumailalim sa masusing pagsasala ng mga social worker.
Ang isinagawang social assistance distribution ng Provincial Social Welfare and Development Office sa 1st hanggang 3rd District ng Pangasinan ay pinangunahan ni Gov. Ramon Guico III.
Pinangunahan naman ng kanyang maybahay, Gng. Maan Tuazon-Guico ang pamamahagi para sa ika-4 at ika-6 na distrito.
Bukod dito, layon ng gobernador na mabigyan ng sapat na atensyon pagsasaayos sa bawat ospital sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ipinaalam rin niya sa mga benepisyaryo na pakikipag-ugnayan niya sa malalaking kumpanya kasama ang PESO at TESDA para sa paglikha ng trabaho. |ifmnews
Facebook Comments