Nabibigyan ng bakuna kada araw, dapat i-report ng DOH

Iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph sa Recto sa Department of Health (DOH) na maglabas ng report kada araw ukol sa mga nabibigyan ng COVID-19 vaccines.

Hirit pa ni Recto, mainam na mayroon ding tally sa bilang ng mga nabakunahan tulad ng ginagawa nitong paglalabas ng report ukol sa kaso ng COVID-19 kada araw at bilang ng mga namamatay at gumagaling.

Sabi ni Recto, mainam na mayroong breakdown o detalye ng mga nabakunahan sa bawat rehiyon at edad ng mga ito.


Diin ni Recto, ito ang maaaring magsilbing regional speedometers na magpapakita ng bilis o bagal ng pagbabakuna sa bawat rehiyon.

Giit pa ni Recto, mahalaga ito sa paglalatag ng mga hakbang laban sa COVID 19 at magsisilbi ding batayan ng national vaccine passport information system.

Facebook Comments