Tuesday, February 10, 2026

Nabibiktima ng love scam, puro matatanda at biyudo —CICC

Karamihan umano ng nabibiktima ng love scam ay mga may edad at biyudo na kalalakihan.

Ayon kay Usec. Aboy Paraiso, Executive Director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Centre, nitong pagpasok ng taon ay may labing walong kaso ng love scam na pare-parehong may edad na.

Aniya, tinatarget ang mga ito ng mga scammer batay sa ginagawa nilang profiling.

Malungkutin at madaling lokohin umano ang naturang grupo ng kalalakiham kung kayat sila ang malimit na tinatarget.

Ayon naman kay PLt. Wallen Mae Arancillo, Spokesperson ng PNP Anti- Cyber crime Group,nasa 54 na kaso ng love scam ang naitala nila nong 2025.

Kahit bumababa na ang kaso ay patuloy ang pagsisikap ng PNP na mapababa pa ito sa pamamagitan ng pagpapataas sa kamalayan ng publiko hinggil sa naturang modus.

Facebook Comments