Nabigong vaccine deal ng bansa sa Pfizer, “move on na” ayon sa Philippine Envoy to the United States

“Move on na”

Ito ang binigyan diin ni Philippines’ Envoy to the United States Amb. Jose Manuel Romualdez kasunod ng nabigong anti-COVID-19 vaccine deal ng bansa sa Pfizer dahil umano sa kapabayaan ni Department of Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Romualdez, panahon na para magmove-on sa isyu dahil marami namang vaccine companies ang nagpahayag na magsu-supply ng bakuna sa bansa.


Kabilang aniya rito ay ang posibleng kasunduan sa pagitan ng US Biotech firm na Moderna, bukod pa sa apat na kompanya mula sa Russia at China.

Samantala, kinumpirma naman ni Department of Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na may nakalaan nang 30 million na dosages ang Pilipinas mula sa Indian-made anti-COVID-19 vaccine na Novavax.

Ayon kay Locsin, inaasahang mapipirmahan na ang kontrata bago matapos ang taon at magiging available sa bansa pagdating ng July 2021.

Facebook Comments