NABIKTIMA | Gretchen Ho, nanawakan sa London

London – Nabiktima ng pagnanakaw ang TV host na si Gretchen Ho habang nasa London.

Kwento ni Gretchen, nagsusukat siya ng damit sa isang store nang biglang tangayin ang kaniyang bag.

Nakita pa raw ni Gretchen ang mukha ng babaeng tumangay ng kaniyang bag na naglalaman ng kaniyang pera, passport, cellphone, at mga mahahalagang dokumento.


Hindi naman raw kinuha ng babae ang kaniyang camera.

Thankful naman raw si Gretchen dahil maraming Pinoy ang tumulong sa kaniya.

Facebook Comments