NABIKTIMA | Honesty store ng MPD – ninakawan!

Manila, Philippines – Nabiktima ng kawatan ang honesty store na nasa loob mismo ng headquarters ng Manila Police District.

Aabot sa P10,000 cash money at mga produkto ang natangay ng isang alyas “Liza” na nagsisilbing “striker” sa MPD.

Base sa kuha ng CCTV noong July 23, nakita si Liza na may kinukuha sa garapon na lagayan ng pera sa honesty store.


Pero matapos na pumutok ang balitang nakawan, hindi na nagpakita ang babae na sinibak na rin sa pwesto.

Si Liza ay matagal nang nagseserbisyo sa iba’t ibang unit ng MPD.

nauna na ring nagduda ang namamahala ng honesty store dahil sa biglang pagbaba ng kita nito mula nang buksan noong June 9.

Facebook Comments