Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 100,881 ang kabuuang sako ng palay na nabili ng National Food Authority (NFA) Isabela mula March 1-31,2022.
Katumbas ito ng 264.09% accomplishment percentage ng ahensya sa nakalipas na buwan.
Batay sa tala ng NFA, target lamang ng ahensya ang 38,200 bags para sa buwan ng Marso pero higit pa ang nabili nito.
Kaugnay nito,patuloy naman ang pagbili ng ahensya ng palay sa presyong P19.00 kada kilo para sa malinis at tuyo.
Tumatanggap rin ito ng palay na may mataas na Moisture Content (14.1%-30%) at mas mababang Purity (94.9%-90%) ngunit may pagbaba ng timbang ayon sa Equivalent Net Weight Factor (ENWF) Table.
Para sa karagdagan pang mga impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o tumawag sa kanilang hotline.
Facebook Comments