
Pangasinan – Arestado ang isang mister matapos na saksakin ang kaniyang misis matapos matuklasan na nakikipag-ugnayan pa din ito sa lalaking nakabuntis sa kaniya sa Aguilar, Pangasinan.
Sa ulat, tinanggap ng suspek na si Anacleto Descalzo na nagkaanak ang misis na si Elisa sa naging kalaguyo nito habang siya ay nasa ibang bansa.
Pero natuklasan ng mister na nakikipag-ugnayan pa din ang misis sa lalaki nito kaya’t nagdilim ang kaniyang patingin saka niya ito sinaksak ng ilang beses.
Kusa naman sumuko ang mister habang inoobserbahan pa din sa ospital ang asawa nito.
Facebook Comments









