Taguig City – Nabisto ng immigration agents ang tangkang pagpasok ng droga sa Bureau of Immigration (BI) Detention Center sa Bicutan, Taguig.
Kasama ang mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group , nasakote nila ang suspek na si Melody Brosas Almoete, 27-anyos, na nagtangkang magpuslit ng sampung gramo ng shabu sa kulungan.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), modus operandi ng sindikato ang paglalagay ng shabu sa pribadong bahagi ng kanilang katawan.
Unang naghinala ang mga otoridad nang makarekober ng drug paraphernalia sa loob ng detention facility kaya nagsagawa sila ng surveillance.
Nagsasagawa ngayon ng follow up operation ang mga otoridad lalo na at may dalawa pang kasabwat ng suspek ang nakalalaya.
Facebook Comments